Programang Pangkalusugan ng Inahin na nagpapasuso ng Biik

Bakuna sa Bagong Panganak na Inahin

Day 1 – magbigay ng antibiotic, Oxytetracycline LA pagkatapos lumabas ang inunan o placenta.

Day 2 – magbigay ng b-complex, bexan sp, 5 ml, para agad na makarecover at ganahan kumain ang inahin.

Day 6 – magbigay ng mycoplasma respisure, para makaiwas sa sakit na pneumonia.

Day 14 – magbigay ng anti parvo / anti leptospirosis, farrowsure b, 5 ml.

Day 21 – magbigay ng anti hog cholera, coglapest, 2 ml.

Day 28 – Sa umaga, araw ng pag-wawalay. Alisin ang inahin sa farrowing pen at ilipat sa gestating pen. Hindi bibigyan ng feeds o pakain. Puro tubig lang maghapon.

Day 29 – magpurga sa umaga. dectomax 5 ml or latigo 1000 1 sachet.

Day 30 – sa umaga magbigay ng b-complex, bexan sp 5 ml. Sa hapon naman magbigay ng vitamin a.d.e. 5 ml.

Magbigay ng atleast 3 kg ng broodsow feeds bawat araw hanggang sa paglalandi. Ang malusog na inahin ay inaasahang maglalandi sa loob ng isang linggo.

Maaaring bigyan ng bitamin o suplemento ang inahin habang naghihintay sa araw ng paglalandi.

Bakuna sa Bagong Panganak na Inahinhttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2019/04/Bakuna-sa-Bagong-Panganak-2.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2019/04/Bakuna-sa-Bagong-Panganak-2-150x150.jpgHeroBoar / Sow / GiltBakuna sa Bagong Panganak na InahinProgramang Pangkalusugan ng Inahin na nagpapasuso ng Biik Day 1 – magbigay ng antibiotic, Oxytetracycline LA pagkatapos lumabas ang inunan o placenta. Day 2 – magbigay ng b-complex, bexan sp, 5 ml, para agad na makarecover at ganahan kumain ang inahin. Day 6 – magbigay ng mycoplasma respisure, para makaiwas sa sakit na pneumonia. Day...Exclusive Pinoy Hog Raising Community