Dahilan ng Pagkakaroon ng Greasy Pig Disease

  • Impeksyon ng balat mula sa sugat gawa ng Staphylococcus Hyicus.
  • Ang baktiryang ito ay naglalabas ng lason sa nakakapasok sa katawan ng baboy at sumisira sa atay at bato.
  • Nakakapasok ang baktirya sa pamamagitan ng sugat, bunga ng pag-aaway ng mga biik o dahil sa magaspang na sahig na dahilan ng pagkasugat ng tuhod.
  • Maaaring mamatay ang biik sa malalang kaso kung saan apektado ang atay.

Greasy Pig Disease

Palatandaan ng Sakit na Greasy Pig Disease

  • Sa una ay mapapansin na namumula ang ilang bahagi ng mukha o paa kung saan nagkakaroon ng sugat.
  • Unti-unting kumakalat hanggang maapektuhan ang katawan.
  • Kumukulubot ang balat at lumalabas ang parang mala sebong likido.

Gamot sa Sakit na Greasy Pig Disease

  • Magturok ng Sustalin LA (1 ml bawat 10kg, 3 araw ang pagitan ng iniksyon).
  • Maghalo ng Electrogen D+ sa tubig inumin (1 kutsarita bawat galon ng tubig) upang maiwasan ang dehydration.

Paano Makaiwas sa Sakit na Greasy Pig Disease

  • Siguraduhing walang galis ang biik. Ang galis ay sumusugat sa balat na maaaring pasukan ng Staphylococcus.
  • Ang paghahalo ng Vetracin Premium sa ika-7 araw hanggang 14 araw ay makakatulong upang maiwasan ang pagsisimula ng Greasy Pig Disease.
  • Siguraduhing walang magaspang o nakakasugat na bagay sa loob ng kulungan.
  • Gumamit ng Microban sa pag-didisimpekta ng kulungan.
Greasy Pig Diseasehttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Greasy-Pig-Disease.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Greasy-Pig-Disease-150x150.jpgHeroHealth / DiseaseExudative Epidermitis,GPD,Greasy Pig,Greasy Pig DiseaseDahilan ng Pagkakaroon ng Greasy Pig Disease Impeksyon ng balat mula sa sugat gawa ng Staphylococcus Hyicus. Ang baktiryang ito ay naglalabas ng lason sa nakakapasok sa katawan ng baboy at sumisira sa atay at bato. Nakakapasok ang baktirya sa pamamagitan ng sugat, bunga ng pag-aaway ng mga biik o...Exclusive Pinoy Hog Raising Community