Ang hindi paglalandi ng isang dumalaga at maaaring bunga ng labis nitong katabaan, kapayatan o sa mga kapansanang mahirap suriin at kilalanin.

Hindi Naglalandi o Matagal Bumalik sa Paglalandi

Maraming dahilan kung bakit hindi naglalandi ang inahin matapos mawalay ang mga anak nito.

  • Impeksyon sa matris at iba pang bahagi nito dulot ng panganganak. Palatandaan nito ang pagkakaroon ng mabaho o puting likido na lumalabas sa ari ng inahin. Kung maglandi man ito at may lumalabas na ganito, siguradong hindi rin ito magbubuntis at maaari pang mahawa ang barakong gagamitin.
  • Pagkakasakit ng inahin.
  • Labis na katabaan o kapayatan ng inahin.
  • Silent Heat

Kung maganda na ang katawan ng inahin subalit matagal bumalik sa pag lalandi, maaaring gawin ang mga sumusunod.

  • Boar Exposure – Gumamit ng barakong mabula ang laway at ilapit sa dumalaga o dry sow sa loob ng 15 minuto bawat araw. Siguraduhing may nose to nose contact upang mas maganda ang estimulasyon ng mga inahin.
  • Bigyan ng stress ang mga dry sows sa pamamagitan ng:
  1. Pagsasama-sama ng mga nawalay na inahin sa 1 kulungan (group housing). Normal lang na may mag-aaway subalit makakatulong ito para bumalik sa landi ang mga dry sows.
  2. Bawasan o huwag bigyan ng pakain sa loob ng isang araw.
  • Turukan ng pampalandi tulad ng Prostaglandin F2-alpha (pgf2-a). Karaniwang bumabalik sa paglalandi ang mga naturukang inahin sa loob ng 2-3 araw. Subalit dapat tandaan na hindi 100% ng naturukan ng PGF2-aay magkakaroon ng fertile na paglalandi.
Hindi Naglalandi o Matagal Bumalik sa Paglalandihttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2020/04/Hindi-Naglalandi-o-Matagal-Bumalik-sa-Paglalandi.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2020/04/Hindi-Naglalandi-o-Matagal-Bumalik-sa-Paglalandi-150x150.jpgHeroSwine Managementboar exposure,impeksyon sa matris,Paglalandi ng baboy,pgf2-a,Prostaglandin F2-alpha,silent heatAng hindi paglalandi ng isang dumalaga at maaaring bunga ng labis nitong katabaan, kapayatan o sa mga kapansanang mahirap suriin at kilalanin. Maraming dahilan kung bakit hindi naglalandi ang inahin matapos mawalay ang mga anak nito. Impeksyon sa matris at iba pang bahagi nito dulot ng panganganak. Palatandaan nito ang...Exclusive Pinoy Hog Raising Community