Karaniwan itong nararanasan kapag tag-araw kung ang temperatura ay lumalampas ng 30°C sa mga inahin na nagpapasuso, malapit o nasa proseso ng panganganak.

Hingal at Heat Stress sa Baboy

Health Tips

  • Kung wala pang anak, paliguan ang inahin kapag mainit ang panahon. Kung nag papasuso na ito, magpaligo ng inahin subalit siguraduhing hindi mababasa ang mga biik. Ang paglalagay ng basang basahan sa batok ng inahin ay makakatulong upang mabawasan ang init ng katawan.
  • Maglagay ng bentilador, upang dumaloy ang hanging sa kulungan.
  • Haluan ng ELECTROGEN D+ (2 tsp bawat galon) ang inuming tubig ng hinihingal na inahin o kapag malapit na manganak ang inahin. (simula 3 araw bago at hanggang manganak) habang nagbabawas sa pagkain.
  • Iwasan ang paglilipat-lipat ng kulungan o pagpapakasta sa mainit na oras ng araw.
  • Ang pagtunaw ng pagkain ay nagdudulot ng produksyon ng init ng katawan (metabolic heat) kaya’t madaling ma-heat stress ang nagpapasusong inahin dahil sa dami ng kailangan nilang kainin.
  • Ipinapayo ang pagpapakain ng kaunti ngunit madalas na pagpapakain, halimbawa ang 6 kilo feed ay maaaring ibigay ng 2 kg sa 5 am, 1 kg sa 8 am, 1 kg sa 5 pm, 2 kilo sa 8 pm.
Hingal at Heat Stress sa Baboyhttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Hingal-at-Heat-Stress-sa-Baboy.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Hingal-at-Heat-Stress-sa-Baboy-150x150.jpgHeroFarrowingHeat Stress,HingalKaraniwan itong nararanasan kapag tag-araw kung ang temperatura ay lumalampas ng 30°C sa mga inahin na nagpapasuso, malapit o nasa proseso ng panganganak. Health Tips Kung wala pang anak, paliguan ang inahin kapag mainit ang panahon. Kung nag papasuso na ito, magpaligo ng inahin subalit siguraduhing hindi mababasa ang mga...Exclusive Pinoy Hog Raising Community