Pagkontrol sa Ileitis o Porcine Proliferative Enteropathy (PPE)

  • Isa sa pinakamadalas na sanhi ng pagtatae sa mga palakihing baboy sanhi ng baktiryang Lawsonia Intracelluraris.
  • Ito ay nagdudulot ng mga pamamaga o pagsusugat-sugat sa bituka ng baboy na sanhi ng mabilis na pagbaba ng timbang. Ito ay mabilis na kumakalat sa grupo ng mga baboy at ang bacteria ay maaaring makita sa dumi ng baboy. Mahirap itong ma-diagnose dahil ang mga palatandaan nito ay tulad din sa mga ibang pagtatae.

Ileitis o Porcine Proliferative Enteropathy

Palatandaan

  • Karaniwang nakikita ng sakit na ito sa palakihin at mga pamalit-lahi.
  • Mabagal ang paglaki at hindi maganda ang performance kahit kumakain.
  • Nawawalan ng ganang kumain at hindi maganda ang pangangatawan.
  • Ang dumi ay maihahantulad sa basang semento (wet cement) o malambot na dumi ng baka (cow pat) at maaaring may dugo ang dumi.
  • Biglaang pagkamatay lalo na kung may dugo ang dumi.

Gamot

  • Ang mga antibiotic na tiamulin, enrofloxacin at doxycycline ay epektibong pangontra sa ileitis.
  • Maaaring maghalo ng vetracin gold sa inuming tubig sa dosis ng 2 tsp kada galon ng tubig sa loob ng 10 days.
  • Ang malalang kaso ay maaari turukan ng bacterid sa dosis na 1 ml bawat 20 kg timbang sa loob ng 3 araw.

Pag-iwas

  • Iwasan ang paglagay ng maraming baboy sa isang kulungan.
  • Bigyan agad ng gamot ang mga inahin ng tylosin o ibang antibiotiko para hindi nito maisalin sa mga biik ang bacteria.
  • Bawasan ang mga stress.
  • Bawasan ang paghahalo halo ng ibat-ibang baboy sa isang kulungan.
  • Siguraduhing ang mga baboy ay may sapat na inumin.
  • Linisin mabuti ang mga kulungan at magdisinfect gamit ang microban para makasiguradong walang natitirang bacteria sa kulungan.
  • Ihiwalay agad ang mga may sakit na baboy.
  • Maghalo ng electrogen d+ sa inuming tubig (1 tsp bawat galon ng tubig inumin) upang maiwasan ang pagkatuyo ng katawan (dehydration).
Ileitis o Porcine Proliferative Enteropathyhttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Ileitis-o-Porcine-Proliferative-Enteropathy.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Ileitis-o-Porcine-Proliferative-Enteropathy-150x150.jpgHeroHealth / Diseasebacteria,ileitis,lawsonia intracelluraris,Porcine Proliferative Enteropathy,ppePagkontrol sa Ileitis o Porcine Proliferative Enteropathy (PPE) Isa sa pinakamadalas na sanhi ng pagtatae sa mga palakihing baboy sanhi ng baktiryang Lawsonia Intracelluraris. Ito ay nagdudulot ng mga pamamaga o pagsusugat-sugat sa bituka ng baboy na sanhi ng mabilis na pagbaba ng timbang. Ito ay mabilis na kumakalat sa grupo...Exclusive Pinoy Hog Raising Community