Ipinapayo ang pagbibigay ng Crumbled or Pelleted Feeds upang makatipid at makasiguro na kumpleto ang sustansyang natatanggap ng alagang baboy. Ang bawat sangkap ng crumbled o pelleted feeds ay nakapaloob sa bawat butil kaya hindi madaling mawala o madala ng hangin. Nagdaan din ang mga sangkap nito sa proseso ng pagluluto kaya mas madali ang mga itong tunawin at mapakinabanganan ng alagang baboy.

Mash Feeds vs Crumble vs Pellet Feeds

Naglalaman ito ng mataas na antas ng bitamina at mineral upang makasiguro na kompleto parin ang sangkap nito kahit masira pa ang ilang bahagi sa proseso ng pagluluto.

Samantala, ang pagbibigay ng Mash ay hindi inirerekomenda sapagkat ang mga sangkap nito ay pinong-pino at madaling madala sa hangin. Bukod dito, hindi rin makasisiguro na ang lahat ng sangkap ay makakain ng alagang baboy lalo na kung hindi maayos ang pagkakahalo nito.

Mash Feeds vs Crumble vs Pellet Feedshttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Mash-Feeds-vs-Crumble-vs-Pellet-Feeds-1.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Mash-Feeds-vs-Crumble-vs-Pellet-Feeds-1-150x150.jpgHeroGrower / Fattener / Finishercrumble pellet,crumbled,feeds,mash,mash feeds,pellet,pigrolacIpinapayo ang pagbibigay ng Crumbled or Pelleted Feeds upang makatipid at makasiguro na kumpleto ang sustansyang natatanggap ng alagang baboy. Ang bawat sangkap ng crumbled o pelleted feeds ay nakapaloob sa bawat butil kaya hindi madaling mawala o madala ng hangin. Nagdaan din ang mga sangkap nito sa proseso ng pagluluto kaya mas madali ang...Exclusive Pinoy Hog Raising Community