1 linggo bago ang takdang araw ng panganganak, linisin mabuti ang kulungan o paanakan sa pamamagitan ng eskoba, sabon, at tubig. Pagkatapos banlawan, sprayan ito ng Major D, disinfectant solution. Ihalo ang 20 ml na Major D sa 1 galon ng tubig at ispreyan ang sahig, dingding atbp. sulok ng kulungan.

Paghahanda sa Panganganak

Palatandaan ng Nalalapit na Panganganak

  • Gumagawa ng lugar anakan o nest. Kung saan ang inahing baboy ay animoy humuhukay at kinakayod ang mga paa sa loob ng paanakan.
  • Pumipintog ang suso at may lumalabas na gatas pag pinisil. Kung may lumabas na gatas, maari nang manganak ang inahin sa nalalapit na 1-2 araw.
  • Madalas na pag-ihi.

Programang Pangkalusugan sa Buntis na Inahin

Iniiwasan ang pagbibigay ng bakuna, suplemento o antibiotiko mula makastahan hanggang 6 linggo bago manganak. Hanggat maaari, hindi rin nagbibigay ng antibiotiko sa buntis na inahin maliban na lamang kung maysakit ito na maaaring ikamatay ng inahin o ng ipinagbubuntis nito.

Maaring gamitin ang Sustalin LA (ubo), Vetracin Gold (pagtatae at pulmonya) o Bacterid (pulmonya at pagtatae) upang magamot  ang sakit ng nagbubuntis na inahin. Inirerecomenda na gamitin muna ang mga soluble o premix na anitbiotics bago ang injectables upang maiwasan ang stress.

Siguruhing napurga na ang inahin bago ilipat sa paanakan. Paliguan ang inahin bago ilipat para matanggal ang nakadikit na itlog ng bulate.

Paghahanda sa Panganganakhttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Paghahanda-sa-Panganganak-1.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Paghahanda-sa-Panganganak-1-150x150.jpgHeroGestatingdisinfectant,farrowing pen,major D,Panganganak ng baboy,sustalin la,vetracin gold1 linggo bago ang takdang araw ng panganganak, linisin mabuti ang kulungan o paanakan sa pamamagitan ng eskoba, sabon, at tubig. Pagkatapos banlawan, sprayan ito ng Major D, disinfectant solution. Ihalo ang 20 ml na Major D sa 1 galon ng tubig at ispreyan ang sahig, dingding atbp. sulok...Exclusive Pinoy Hog Raising Community