Pulmonya o Pneumonia ang pinakamadalas na sakit na makikita sa mga palakihing baboy at isa rin sa pinaka mahirap ma kontrol dahil sa dami ng mga mikrobyong nagdudulot nito (multi-casual).

Pagkontrol sa Baboy na may Pneumonia

Batay sa pagtaya, aabot sa higit 90% na mga babuyan sa Pilipinas ay apektado ng mikrobyong Mycoplasma Hyopneumoniae – ang pangunahing mikrobyo na nagdudulot ng pneumonia at sumisira sa unang depense ng baga. Bibihira ang namamatay sa mycoplasmal pneumonia subalit mas madali makapasok ang mga malalalang sanhi ng pulmonya at bumabagal ang paglaki.

Ang pulmonya ay maaaring magmula sa (3) bagay: inahin, dala ng hangin (airborne) o dala ng carriers. Ang iba’t ibang klase ng stress ang nagdudulot upang madaling tamaan ng pulmonya ang mga baboy. Tumataas ang porsyento ng mga baboy na tinatamaan at namamatay sa pulmonya tuwing tag-ulan.

Paano ba malalaman kung may pulmonya sa inyong babuyan?

  • Ubo – ang ubo ay normal na reaksyon ng katawan upang maalis ang mga pumapasok na dumi sa baga at ito ang pangunahing sintomas ng pulmonya. Tingnan ang coughing index o ang dalas ng pag-ubo sa loob ng isang minuto upang malaman kung posibleng apektado ng pulmonya ang mga baboy. Kung higit sa 1 ubo bawat 10 minuto sa bawat 10 baboy ang naririnig, maaaring may tama ng pulmonya ang alagang baboy.
  • Thumping – Ito ay ang mabilis na paghinga ng baboy na animoy umaalon ang tiyan. Kung higit sa 40 paghinga bawat minuto at mataas ang coughing index, malamang na may pulmonya ang alagang baboy.
  • Hindi pantay-pantay na paglaki sa panahon ng bentahan. Isa sa masamang epekto ng pulmonya ay ang mabagal na paglaki.
  • Makapit na amoy sa damit. Pumasok sa kulungan sa loob ng sampung minuto, kung paglabas ang kapit na kapit ang amoy ng baboy sa damit, indikasyon ito ng hindi magandang bentilasyon sa loob ng kulungan kung kaya’t naiipon ang ammonia. Ang ammonia ay isang gas na nakakasira sa unang depensa ng baga kaya’t madaling makapasok ang mga mikrobyo na nagdudulot ng pulmonya.

Pagkontrol sa Baboy na may Pulmonya o Pneumonia

  • Pagbabakuna. Bakuna laban sa (Respisure) Mycoplasma ang pangunahing ibinibigay kung mataas ang kaso ng pulmonya. Maaring gumamit ng 1 shot sa edad na 21 araw o 2 shot na bakuna sa edad na 7 at 21 na araw, depende sa may-ari ng babuyan. Maaari din magturok ng bacterin laban sa Pasteurella, Haemophilus, Bordetella o Streptococcus kung napatunayang ito ang mga sanhi ng pulmonya sa alagang baboy.
  • Mahalagang mabawasan ang mga stress factors tulad ng lamig, basa at siksikan sa kulungan, hindi magandang bentilasyon at paghahalo ng magkaka-ibang edad ng baboy sa kulungan. Maaaring mabawasan ang ammonia sa loob ng kulungan sa pamamagitan ng pagsasabit ng uling dahil sinisipsip neto ang mabahong amoy. Ang paglalagay ng kurtinang sako sa paligid ng kulungan tuwing malamig at maulan ay maaari din gawin.
  • Magbigay ng Vetracin Gold. Kombinasyon ito ng (2) malakas na antibiotiko: tiamulin na napakahusay laban sa mycoplasma at doxycycline na mahusay naman sa mga kumplikasyon. Bukod dito, mataas ang antas ng tiamulin at doxycycline na nakakarating sa baga kung saan nandoon ang mga mikrobyo.

Pulse Medication Program

  • Magbigay ng Vetracin Gold sa ika 5th weeks old, 9th weeks old at 13th weeks old.
  • 2 tsp bawat galon ng tubig sa loob ng 7 araw.
Pagkontrol sa Baboy na may Pneumoniahttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Pagkontrol-sa-Baboy-na-may-Pneumonia.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Pagkontrol-sa-Baboy-na-may-Pneumonia-150x150.jpgHeroFarrowingairborne,ammonia,bacterin,mycoplasma,mycoplasma hyopneumoniae,pneumonia,pulmonya,respisure,thumping,ubo,vetracin goldPulmonya o Pneumonia ang pinakamadalas na sakit na makikita sa mga palakihing baboy at isa rin sa pinaka mahirap ma kontrol dahil sa dami ng mga mikrobyong nagdudulot nito (multi-casual). Batay sa pagtaya, aabot sa higit 90% na mga babuyan sa Pilipinas ay apektado ng mikrobyong Mycoplasma Hyopneumoniae – ang pangunahing mikrobyo na nagdudulot...Exclusive Pinoy Hog Raising Community