Sanhi at Sintomas

  • Sakit na bunga ay isang hanip (mite), Sarcoptes Scabei.
  • Pamumula ng balat sa may tenga, pagitan ng paa, tiyan at leeg na maaaring kumalat sa buong katawan.
  • Mapupuna ang pagkabalisa at pangangati ng baboy. Ikikiskis neto ang katawan sa dingding ng kulungan upang maibsan ang pangangati. Ipapagpag din nito ang tenga.
  • Maaaring mapatunayan na galis ang sanhi sa pamamagitan ng:

Pagpupurga at Paggamot sa Galis o Mange

  1. Skin Scraping. Ang pagtingin sa microscope ng sample na galing sa balat ng tenga.
  2. Rubbing Index. Ang bilang ng pagkiskis sa loob ng 15 minuto na hinati sa bilang ng baboy na nakitaan ng pagkiskis. Ang rubbing index na 0.4 pataas ay indikasyon na maaaring may galis ang baboy.
  3. Dermatitis Lesion Scoring System (DLS System). Ang pagtaya sa kalat (distribution) at kalalaan (severity) ng mga sugat na hinatid sa dami ng baboy na tinignan. Minamarkahan ang severity batay sa:0 – walang sugat
    1 – sugat sa katawan maliban sa dibdib at puwitan
    2 – sugat sa likod, dibdib at puwitan
    3 – malalang sugat sa likod, dibdib at puwitanAng DLS score na 0.6 pataas ay indikasyon na may problema sa galis ang mga baboy.

Epekto ng Galis sa Palakihing Baboy

  • Mabagal na paglaki – karagdagang 14-20 araw na pag-aalaga
  • Kabawasan sa pagkatay (trimming losses). 5-6 na kilong kabawasan

Paggagamot sa Galis

  • Magturok ng ivermectin (1 ml bawat 33 kg timbang), uulitin tuwing 6 na buwan.
  • Purgahin ang biik sa panahon ng pagwawalay. (Latigo 1000)
  • Para sa mga barako – magturok ng ivermectin (1 ml bawat 33 kg timbang), tuwing ika 3 buwan.
Pagpupurga at Paggamot sa Galis o Mangehttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Pagpupurga-at-Paggamot-sa-Galis-o-Mange-1.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Pagpupurga-at-Paggamot-sa-Galis-o-Mange-1-150x150.jpgHeroNourishmentdermatitis lesion scoring,Galis,ivermectin,latigo 1000,Mange,pagpupurga,purga,rubbing index,skin scrapingSanhi at Sintomas Sakit na bunga ay isang hanip (mite), Sarcoptes Scabei. Pamumula ng balat sa may tenga, pagitan ng paa, tiyan at leeg na maaaring kumalat sa buong katawan. Mapupuna ang pagkabalisa at pangangati ng baboy. Ikikiskis neto ang katawan sa dingding ng kulungan upang maibsan ang pangangati....Exclusive Pinoy Hog Raising Community