Piglet Weaning, Feeding Guide & Medication Program

Pagwawalay sa Biik at Pagpapakain

Pagkatapos ng 28-35 araw na pagsuso sa inahin, ang biik ay iniwawalay at inaalagaan ng mga 30 araw hanggang sa ito ay tumimbang ng 15-20 kg sa edad na 60 araw at palakihin bilang grower o fattener. Ang tamang paraan ng pagwawalay ay unang tinatanggal ang inahin sa kulungan at naiiwan ang mga biik para maiwasan ang anumang karagdagang stress ng paglilipat ng mga biik. Inililipat ang mga biik sa bagong kulungan makalipas ang 2 araw.

Ang pagwawalay ang itinuturing na pinaka stressful na pangyayari sa buhay ng baboy dahil sa mga pagbabago sa kanyang pantunaw at mahinang resistensya.

Sa panahon ng pagwawalay, may 3 mahalagang bagay na dapat malaman.

  1. Kulang ang acidity sa tiyan ng biik. Ang gastric acid ay may 2 gawain sa tiyan. 1.) Pagpapasimula sa proseso ng pagtunaw ng protina. 2.) Pinapatay ang mga masasamang bacteria na pumapasok sa tyan. Sa panahon ng pagwawalay, ang acidity level sa tiyan ng biik ay pumapabor sa pagdami ng masamang bacteria tulad ng E. coli subalit hindi naman angkop sa pantunaw ng biik. Kaya’t hindi nakakapagtaka na nakakaranas ang mga biik ng mabagal na paglaki at pagtatae sa panahon ng pagwawalay.
  2. Hindi pa mature ang digestive system ng mga biik. Sa edad na 4-5 linggo, bumababa na ang kakayanan ng biik na tumunaw ng gatas subalit hindi parin sapat ang enzymes na nagagawa ng bituka nito para tumunaw naman ng solid feeds tulad ng mais at iba pa. Sa ika 2 buwan nag mamature ang pantunaw ng mga biik.
  3. Dumadami ang masamang mikrobyo sa bituka tulad ng E. coli at Salmonella spp. Ito ay nangyayare dahil sa:
  • Kulang ang gastric acid na siyang pumapatay sa mikrobyo.
  • Hindi sapat na enzyme na galing sa bituka.

Pagpapakain sa Biik / Creep Feeding

Ang creep feeding ay ang pagpapakain sa mga sumususong biik ng pakaing madaling tunawin, mayaman sa gatas at mga by-products nito upang mapabilis ang paglaki ng mga baboy. Subalit dapat na maging maingat ang pagpapakain sa mga sumususong biik dahil hindi pa develop ang pantunaw ng mga ito. Ang kakayahan ng biik na tumunaw ng pakain ay nagbabago mula pagkapanganak hanggang edad 60 araw.

Pangangailangan sa Tubig

Napakahalaga ng tungkulin ng tubig sa katawan ng baboy. Ito ay mas kritikal sa mga biik dahil 80% ng katawan ng biik ay tubig.

Batay sa pagaaral, sa loob ng 6 na oras pagkapanganak ay kinakailangang may tubig sa mga lalagyan (shallow dish o trough) na madaling maabot ng mga biik. Ang dami ng tubig na naiinom ng mga biik tuwing sumususo ay naaapektuhan ng temperatura sa loob ng kulungan. Kung mainit sa loob ng kulungan ay tumataas din ang pagkonsumo ng biik sa tubig. Salungat sa sabi-sabi na kung makainom ang biik ng tubig sa mga unang araw pagkapanganak ay magtatae ito.

Pagwawalay sa Biik at Pagpapakainhttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Pagwawalay-sa-Biik-at-Pagpapakain.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Pagwawalay-sa-Biik-at-Pagpapakain-150x150.jpgHeroPiglet Managementbiik,Creep Feeding,Early Wean Advanced Piglet Nutrition Program,earlywean,pagkain ng biik,pagtatae,pagtunaw,pagwawalay,weaningPiglet Weaning, Feeding Guide & Medication Program Pagkatapos ng 28-35 araw na pagsuso sa inahin, ang biik ay iniwawalay at inaalagaan ng mga 30 araw hanggang sa ito ay tumimbang ng 15-20 kg sa edad na 60 araw at palakihin bilang grower o fattener. Ang tamang paraan ng pagwawalay ay unang...Exclusive Pinoy Hog Raising Community