Ang ganitong problema ay kadalasang dulot ng (3) bagay.

  1. Hindi tama ang oras ng pagpapakasta. Sundin ang rekomendasyon sa tamang oras ng pagsumpit or pagpapakasta. Siguruhin ding maganda ang kalidad ng semilya (kung a.i) o kaya’y hindi sobrang gamit o heat stressed ang barako.
  2. Pagkakasakit. Ang parvovirus at leptospirosis ay mga sakit na maaaring magpababa sa dami ng buhay na biik na ipinanganganak.
  • Mas madalas makita ang parvovirus sa mga batang inahin (1st parity) kumpara sa matatandang inahin. Karaniwang makikita ang lumo o mummified na mga biik sa panahon ng panganganak. Ang inahin na nagkaroon ng parvovirus ay nagkakaroon ng matagal na proteksyon o immunity laban sa parvovirus.
  • Ang leptospirosis naman ay sakit na nagdudulot ng pagkakaroon ng mummified at stillborn na mga biik. Maaari itong tumama kahit sa matatandang inahin. Upang makaiwas, may mga bakuna laban sa parvo-lepto na maaaring iturok sa dumalaga at inahin hanggang ika-3 panganganak. Maaari din gamitin ang inunan ng matatandang inahin na nanganak at ipakain sa mga dumalaga bago pakastahan ang mga ito.
  • Ang mataas na lagnat ay maaari ding magdulot ng pagkamatay ng mga biik na ipinagbubuntis. Upang maiwasan ang masamang epekto ng lagnat sa buntis na inahin, bigyan agad ito ng pampababa ng lagnat tulad ng paracetamol o flunixine meglumine.

Parvovirus o Mummified na Biik

3. Maling pagpapakain sa panahon ng pagbubuntis. Ang sobrang pagpapakain sa unang buwan ng pagbubuntis ay nagdudulot ng sobrang init ng katawan (metabolic heat) dahil sa pagtunaw ng pagkain. Ang init na ito ay maaaring makamatay sa mga nabuong semilya kung kaya’t kakaunti ang ipinanganganak na biik.

Parvo Virus o Mummified na Biikhttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Parvo.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Parvo-150x150.jpgHeroSwine Managementbiik,kaunti ang biik,lagnat,leptospirosis,mummified,pagkakasakit,pagkakasta,pagsumpit,parvo-lepto,parvovirus,piglets,still bornAng ganitong problema ay kadalasang dulot ng (3) bagay. Hindi tama ang oras ng pagpapakasta. Sundin ang rekomendasyon sa tamang oras ng pagsumpit or pagpapakasta. Siguruhin ding maganda ang kalidad ng semilya (kung a.i) o kaya’y hindi sobrang gamit o heat stressed ang barako. Pagkakasakit. Ang parvovirus at leptospirosis...Exclusive Pinoy Hog Raising Community