Feeding Guide para sa Pamalit-lahi o Dumalaga

10 – 14 weeks = 2.5 – 3.5 months old = Bigyan ng Pigrolac Hog Starter.
14 – 20 weeks = 3.5 – 5 months old = Bigyan ng Pigrolac Hog Grower.
20 – 32 weeks = 5 – 8 months old = Bigyan ng 50% Mamapro Developer at 50% Mamapro Milkmaker.

Tamang Pag Pili sa Dumalaga na Gagawing Inahin

Hindi pinapakain ng finisher o broodsow ration ang mga gagawing palahiang inahin sapagkat kulang ito sa mga minerals na importante sa matibay na buto at fertility ng mga palahiang baboy. Masyado namang mataas ang mineral content ng mga lactating rations kaya’t ipinapayo ang 50:50 na Mamapro Developer at Mamapro Milkmaker upang mapunan ang tamang pangangailangan sa mineral, protina at enerhiya ng mga pamalit-lahi.

Flushing – Mga 10-14 araw bago pakastahan ang dumalaga, dagdagan ang pakain at gawin itong 3 kg. hanggang 3.5 kg. bawat araw upang pataasin ang bilang ng itlog na inilalabas ng dumalaga.

Programang Pang kalusugan ng Pamalit-lahi

6.5 buwan – bakunahan ng anti parvo / 5ml
7 buwan – booster shot laban sa parvo ulit
7.5 buwan – bakunahan laban sa hog cholera / purgahin
8 buwan – bigyan ng bcomplex at vitamin ade / 5ml

Sa mga backyard farms na walang kakayahang na magbakuna laban sa parvovirus at leptospirosis, maaaring kumuha ng inunan sa mga nanganak na alagang inahin at ihalo sa pakain ng mga dumalaga sa edad na 6-7 buwan.

Maaari ring gamitin ang mga luno o mummified na biik bilang panghalo sa pakain ng mga dumalaga. Siguraduhing magagawa ito ng hindi lalampas sa 2 linggo bago pakastahan upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga dumalaga na magkaroon ng proteksyon laban sa parvovirus at leptospirosis.

Tamang Pagpapakain sa Pamalit-lahi or Dumalagahttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Tamang-Pag-Pili-sa-Dumalaga-na-Gagawing-Inahin.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Tamang-Pag-Pili-sa-Dumalaga-na-Gagawing-Inahin-150x150.jpgHeroSwine Managementbexan,coglapest,developer,Dumalaga,farrowsure,feeding guide,flushing,grower,inunan,latigo 1000,leptospirosis,milkmaker,mummified,pamalit lahi,parvovirus,starterFeeding Guide para sa Pamalit-lahi o Dumalaga 10 – 14 weeks = 2.5 – 3.5 months old = Bigyan ng Pigrolac Hog Starter. 14 – 20 weeks = 3.5 – 5 months old = Bigyan ng Pigrolac Hog Grower. 20 – 32 weeks = 5 – 8 months old = Bigyan ng 50% Mamapro Developer at 50%...Exclusive Pinoy Hog Raising Community