Dry Period – Ang panahon matapos iwalay ang biik hanggang sa muling paglalandi.

Body condition score ng inahin. Ang pangatlo (3) ang itinuturing na magandang kondisyon ng katawan ng inahin matapos ang pagpapasuso.

Wastong Pangangalaga sa Dry Sows at Heat Stimulation

  • Panatilihing nasa magandang kondisyon ang inahin. Ang inahin na masyadong namayat sa panahon ng pagpapasuso ay mahihirapang bumalik agad sa paglalandi. Sundin ang Early Wean at Mamapro Feeding Program para mas maagang makapagwalay ng biik at mapanatili ang magandang kondisyon ng inahin.
  • Hanggat maaari, ilapit sa barako ang mga bagong awat na inahin, 15 minuto bawat araw upang mapabilis ang paglalandi. Kailangan ng inahin na maamoy, makita, at marinig ang barako.
  • Sa panahon ng tag-init, maaaring paliguan ang inahin o maglagay ng lublubang tubig upang maginhawahan ito.
  • Subaybayan ang inahin 2 beses mag hapon para sa palatandaan ng paglalandi.
  • Magpakasta ng inahin sa tamang panahon.

Wastong Pangangalaga sa Dry Sows at Heat Stimulation

Karaniwang nagiging problema ng mga dry sows ay ang sobrang pamamayat pagkatapos ng pagpapasuso. Dahil dito, nag tatagal ang pagbalik nito sa paglalandi.

Ang dry sow na maganda ang kondisyon ay bumabalik sa paglalandi sa loob ng 4-7 days matapos iwalay.

Feeding Guide para sa Dry Sows – ibalik ang kondisyon ng katawan ng inahin, at maglabas ng maraming itlog sa panahon ng paglalandi.

Wastong Pangangalaga sa Dry Sows at Heat Stimulation1

Medication Program para sa Dry Sows

Wastong Pangangalaga sa Dry Sows at Heat Stimulation

Wastong pangangalaga sa Dry Sows at Heat Stimulationhttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Dry-Sow.jpghttps://www.hogden.ph/wp-content/uploads/2017/03/Dry-Sow-150x150.jpgHeroSwine ManagementDry Sows,flushing,Heat StimulationDry Period – Ang panahon matapos iwalay ang biik hanggang sa muling paglalandi. Body condition score ng inahin. Ang pangatlo (3) ang itinuturing na magandang kondisyon ng katawan ng inahin matapos ang pagpapasuso. Panatilihing nasa magandang kondisyon ang inahin. Ang inahin na masyadong namayat sa panahon ng pagpapasuso ay mahihirapang bumalik...Exclusive Pinoy Hog Raising Community